sábado, febrero 24, 2007

sa plumang baliko

Sa plumang baliko
ang sikong nakayuko
sa puting ginahasa
sa abaca ng mesa

sa plumang baliko
sa poder ng may takot
ang panghalip ng sigalot
pusil na kumislot

sa plumang baliko
ang pulang mantsa sa balisong
sa Hanford na bago
pati sa utak na ginago

sa plumang baliko
kapalarang maharot
pinanday na loob
pero tinintang baliko.

xanana ventura / 2007

1 Comments:

At 24 febrero, 2007 13:55, Blogger Unknown said...

hmmm... there are some words im not sure of. pluma is pen, right? ill figur this out. it's my freudian mind that is at work here.

miss ko na ang chat. hehehe

 

Publicar un comentario

<< Home